Iriga: 90 Green Sea Turtle Hatchlings, pinakawalan sa Catanduanes

0
140

Siyamnapung green sea turtles ang na-rescue sa tabi ng dalampasigan ng Magnesia Del Sur, Virac, Catanduanes na agad rin na pinakawalan nitong May 10, 2022 ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Catanduanes.

Visit RPN DZKI Iriga

Narescue ang nasabing mga pawikan matapos na matanggap ng ahensya ang report mula kay Alfredo Isidro na residente ng barangay. Sa assessment ng PENRO, nasa mabuting kalagayan ang 90 green sea turtles subalit mayroon ring pitong hatchlings na namatay.

Bilang bahagi ng 2022 Month of the Ocean celebration, nagsagawa rin ang PENRO Catanduanes ng Communication, Education and Public Awareness (CEPA) Campaign sa mga residente sa mismong araw ng pagpapakawala ng mga hatchlings. Natagpuan rin sa lugar ang ilang marine nests at pinaseguro ito ng ahensya.

Ayon kay PENRO Chief Imelda Baltazar, “It is uplifting to know that because of our continuous Communication, Education and Public Awareness (CEPA) campaigns, the local residents are aware that sea turtle hatchlings must be reported to the nearest DENR Field Office for rescue, tagging release and to monitor the species’ migratory patterns, growth rates, survival, and reproductive output”.

Pinuri rin ni Baltazar ang pagsisikap ng lokal na komunidad na nag-ambag sa konserbasyon at proteksyon ng wildlife species at ang kanilang mga tirahan upang itaguyod at pagandahin ang ecological balance at biological diversity.

Base sa DENR Administrative Order (DAO) 2019-09, ang Green sea turtle ay isang uri ng endangered species. (Kelly Cordero)

(Source: DENR Bicol)

Leave a Reply