35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Iriga: 5 Babaeng pulis sa Bicol ginawaran ng medalya ng PRO5

- Advertisement -

Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa trabaho at natatanging akomplishimento, ginawaran ng PNP Bicol ng medalya ang limang (5) pulis sa rehiyon kasabay ng ginawang flag raising ceremony nitong Marso 11, 2024 sa Camp General Simeon Ola sa Legazpi City.

Pinangunahan ni Dra. Ofelia Samar-Sy ng Bicol University at ni PNP Bicol Regional Director PBGEN Andre Perez Dizon ang paggawad ng medalya.

Medalya ng Kadakilaan ang ibinigay kay Police Master Sergeant Glenda Berango ng Regional Drug Enforcement Unit 5 at PSSG Cherry Ann Guadalipe ng Iriga Police Station sa Camarines Sur Provincial Police Office.

Medalya ng Kagalingan naman ang iginawad kay PCPL Melanie Morado ng Monreal Municipal Police Station at Patrolwoman Mariel Oling mula Masbate City Police Station.

Medalya ng Papuri naman ang natanggap ni Patrolwoman Jezza Mae Ofalsa ng Sorsogon 2nd Police Mobile Force Company.

Layon ng nasabing paggawad ng medalya na upang bigyang pagkilala ang importanteng papel ng kababaihan sa pagpapatupad ng batas para maprotektahan ang mga Bicolano.

(Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -