33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Iriga: Bagong Balay Silangan Reformation Center pinasinayaan sa Nabua, CamSur

- Advertisement -

Pinasinayaan nitong Marso 11, 2024 ang Balay Silangan Reformation Center sa Barangay San Vicente Gurong Gurong Nabua, Camarines Sur.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Police Colonel Julius Caesar Domingo, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office kasama si Director III Edgar T Jubay, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol katuwang ang lokal na pamahalaan ng Nabua sa pamumuno ni Hon. Mayor Fernando Simbulan.

Magsisilbing pansamantalang tahanan ang Balay Silangan para sa mga taong nasangkot sa ipinagbabawal na gamot at nais magkaroon ng bagong buhay.

Saklaw nito ang pagkakaroon ng iba’t-ibang programang laan para sa mga small-drug offenders tulad ng livelihood assistance na makatutulong sa kanila at kanila ring mga pamilya sa panahon ng pamamalagi sa reformation center.

Kaugnay nito, kasabay ring sinagawa ang MOU Signing Ceremony, Signing of the Pledge of Commitment at Ribbon Cutting na nilahukan ng iba’t-ibang partner agencies.

(Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -