Sunday, May 5, 2024

Ilang Mga LGU’s Sa Camarines Sur Na Kabilang Sa Pilot Registration Para Sa Pilot Phil. Identification System Ng Phil. Statistics Authority, Nakaabang Na Rin Sa Naturang Programa

- Advertisement -

Kanselado muna ang registration para sa Phil. Identification System sa mga bayan dito sa Camarines Sur, dahil sa nakatutok pa ngayon ang Phil. Statistics Authority (PSA) sa lungsod ng Naga.

On going ang registration para sa PhilSys na kung saan ginagawa sa Bicol Science Centrum sa city hall compound.

Sa ginagawang registration ng PSA ay prayoridad muna iyong mga taga barangay barangay na konsideradong nasa indigent families o iyong wala pang national ID, kaya may schedule silang itinakda sa 27 barangay ng lungsod.

Ang bayan ng Calabanga ay may 48 barangay at isa sa malaking bayan dito sa Camarines Sur na may malaking populasyon.

Ayon kay Mayor Severo ng Calabanga, may una ng itinakdang araw ang PSA para sa registration sa bayan niya, subalit kinansela ito dahil sa Naga City muna, tututok ang ahensiya sa programang ito.

Una nang sinabi ni PSA Camarines Sur Officer, Clemente Manaog, na pagkatapos ng Naga magbibigay sila ng schedule para sa ibang mga bayan, gradual lamang kase ang pagpapatupad nito ayon sa central office.

(Source: BNFM Naga)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img