Ilang mga detainee sa BuCor itinuturing na PUM, PUI

0
17

Nasa 74 na detainee sa Bureau of Corrections (BuCor) ang itinuturing ng persons under monitoring (PUM) dahil sa posibleng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection.

Ayon kay Pang. Rodrigo Duterte, nasa dalawang bilanggo naman ang itinuturing na persons under investigation (PUI).

Sinabi ng Pangulo na mayroon ding BuCor personnels na itunuturing ding PUM.

Gayunman, tiniyak naman ng Pangulo na wala pa ring kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa BuCor.

Sa ngayon, naka-isolate na naman ang mga nabanggit na PUI’s at PUM’s habang patuloy na mino-monitor ng mga eksperto ang kanilang kundisyon.