Friday, May 17, 2024

I.Q. evaluation sa mandatory drug test inutos ng Pangulo

- Advertisement -

Nais ni Pangulong Duterte na ibalik ang mandatory drug test at isama ang I. Q. evaluation bilang licensing requirements ng mga tsuper.

Ito ay kaugnay ng nangyaring aksidente sa South Cotabato na ikinasawi ng 21 katao.

Dahil dito, nais ng Pangulo na mas paigtingin pa ang roadworthiness checks, at mas mahigpit na licensing requirements kung saan magkakaroon ng periodic drug testing, at aalamin din ang financial capability ng mga operators ng PUV’s.

Kabilang din sa utos ng Pangulo na dapat nasa minimum I.Q. level bago payagang makapagmaneho.

Iniutos din ng Pangulo ang pagsasagawa ng agarang inspeksyon sa mga PUV’s at pagkakaroon ng regular na inspeksyon sa PUV terminals.

Kaugnay nito sinabi naman ng Department of Transportarion (DOTR) na nakatakdang maglabas ang Pangulo ng executive order hinggil sa naturang kautusan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -