Thursday, May 2, 2024

Hindi pagrekomenda sa pagsalang ng mga empleyado sa rapid tests muling iginiit ng DOH

- Advertisement -

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekumenda ang pagsalang ng mga empleyado sa rapid tests.

Ayon kay Health Undersec. Maria Rosario Vergeire, nananatili ang posisyon ng DOH na hindi maaring gawing batayan ang rapid tests para makabalik sa trabaho ang isang empleyado.

Aniya, napatunayan  na kasing maraming false positive at false negative na resulta ang rapid tests kaya’t hindi ito maaring gawing clearance ng mga kumpanya.

Matatandaang noon lamang abril nang sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na dapat isailalim sa PCR test ng mga kumpanya ang kanilang mga empleyado sa muling pagbubukas ng mga negosyo matapos ang ilang buwang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine protocols.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img