Higit 100 OFWs sa Italy nais nang makauwi ng Pilipinas

Higit 100 OFWs sa Italy nais nang makauwi ng Pilipinas

by Powered by DWIZ
43 views

Humihingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas ang mahigit 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Italya upang makauwi ng bansa dahil sa krisis at banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Rhoderick Ople, presidente ng Filipino community group na OFW Watch Italy, nasa 113 ang mga Filipino workers sa Italy ang umaasang maililikas sa bansa.

Sa naturang bilang aniya, 72 dito ang nawalan ng trabaho mula sa sektor ng domestic at turismo kung kaya’t gusto nang umuwi ng Pilipinas.

Habang ang iba naman ay nangangamba na mahawaan ng COVID-19.

Umaapela naman ang grupo ng mabilisang aksyon mula sa gobyerno ngayong panahon ng krisis sa iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyang 168,000 residenteng Pilipino sa Italya, 10 rito ang nagpositibo sa COVID-19, walo ang nasa ospital habang apat naman ang nasawi.

0 comment

Related Posts