PhilHealth hanggang April 14 na lamang babalikatin ang gastusin ng mga COVID-19 patients

PhilHealth hanggang April 14 na lamang babalikatin ang gastusin ng mga COVID-19 patients

by Powered by DWIZ
196 views

Ipinapabatid ng PhilHealth na hanggang April 14 na lamang ang babalikatin ng gobyerno sa mga gastusin sa ospital ng mga tatamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, limitado na lang kasi ang kaya nilang sagutin sa gamutan ng mga pasyente ng COVID-19 mula sa 5,000 accredited health facilities sa bansa.

Aniya, mayroon ang PhilHealth na case rate at apat na kategorya para sa mga magkakasakit ng COVID-19 pagtapos ng April 14.

Ang case rate na kayang i-reimburse ng ahensya ay nakadepende aniya sa komplikasyon ng pneumonia:

  • Mild pneumonia (P43,997)
  • Moderate pnuemonia (P143,267)
  • Severe pneumonia (P333,519)
  • Critical pneumonia (P786,384)

Paliwanag pa ni Morales, ang naturang hakbang ay para maipagpatuloy rin ang “sustainability” ng anti-COVID campaign ng pamahalaan.

Samantala, iginiit naman ni Morales na ititigil ang full PhilHealth coverage ng COVID-19 treament, kahit pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa April 30.

0 comment

Related Posts