Friday, May 10, 2024

Halos 200 alkalde at gobernador inalisan ng ‘supervisory powers’ sa lokal na pulisya – DILG

- Advertisement -

Inalisan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng “supervisory powers” sa lokal na kapulisan ang 189 na alkalde at gobernador sa bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pawang mga alkalde ang karamihan dito habang ang iba ay mga gobernador.

Marami aniyang dahilan kung bakit tinanggalan ng supervisory powers ang naturang mga lokal na opisyal na hindi pa pinangalanan.

Kabilang aniya rito ang pagkakasangkot sa iligal na droga at mga teroristang grupo.

Ani Malaya, magsasagawa pa ng masusuing imbestigasyon sa naturang mga opisyal at saka isasapubliko ang pangalan ng mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -