31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Duterte walang balak humarap sa anumang internal court hinggil sa ‘war on drugs’

- Advertisement -

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak na humarap sa anumang international court upang sagutin ang umano’y paglabag sa karapatan pantao sa ilalim ng kontrobersiyal na kampanya kontra iligal na droga.

Ayon sa pangulo, hindi siya kailanman haharap sa anumang international court, anya haharap lamang siya sa isang paglilitis kung ito ay gagawin sa Pilipinas kung saan Pilipino ang tatayong hukom, at Pilipino mismo ang uusig sa kanya.

Dagdag pa ng pangulo, hindi isasantabi lamang niya ang anumang pangunguwestiyon ng dayuhan sa kaniyang mga polisiya.

Giit pa ng pangulo, magmumukha lamang siyang istupido kung papatulan niya ang mga naturang pag-iimbestiga dahil gumagana naman ang korte sa Pilipinas.

Matatandaang kamakailan lamang ng pagtibayin ng United Nations Human Rights Council ang resolusyon ng Iceland upang imbestigahan ang serye ng patayan sa ilalim ng war on drugs.

Samantala, nilinaw rin naman ng pangulo na bagamat hindi isasantabi lamang niya ang naturang resolusyon ay hindi naman niya puputulin ang relasyon ng Pilipinas sa Iceland, dahil ayaw niyang maapektuhan ang mga Pilipinong manggagawa sa naturang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -