33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Guidelines sa roll out kan bakuna kontra COVID- 19 sa Bicol, pinaluwas na

- Advertisement -

Iriga City—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na unang mababakunahan ang mga frontliners oras na dumating ang COVID-19 vaccine sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Rita Mae Bon, program coordinator Covid 19 vaccine ng ahensya, nasa 80,000 frontliners ang babakunahan sa Bicol.

Uunahin muna ang mga health workers na nasa private at public hospital, sunod ang mga barangay health workers, mga nasa Rural Health Units at iba pang frontliners.

Sinisimulan na rin ang pagtukoy sa mga indibidwal na mababakunahan sa rehiyon habang mag-uumpisa na rin ang registration para sa iba pang target population na magiging priority sa pagbabakuna gaya ng mga senior citizen at indigent population.

Dagdag pa nito, mayroong Phase 1, Phase 2 at Phase 3 ang magiging prayority sa pagbabakuna.

Nilinaw naman ni Bon na hindi lahat na frontliners ay mababakunahan dahil magdedepende pa rin sila sa dami ng bakunang darating sa Bicol Region.

Kaugnay nito ay inihahanda na rin ng tanggapan ang bawat health facility na paglalagyan ng bakuna.

Aabot umano sa dalawang milyong katao ang target na mababakunahan sa Bicol kasabay na rin ang mga frontliners.

Source: DOH Bicol

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -