Saturday, May 25, 2024

General Santos: Solo Parents, Prayoridad Din Sa EduKAR Program Ng LGU

- Advertisement -

General Santos City – Tiniyak ni City Mayor Ronnel Rivera na mabibigyang prayoridad ng city government ang pagtulong sa mga solo parents para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Kasabay sa inilunsad na Assistance to Individuals in Crisis Situation event ng City Social Welfare and Development Office, sinabi ng local chief executive na gagawing  No. 1 priority ng LGU ang edukasyon ng mga kabataan sa lungsod.

“Gisiguro jud nato nga naa gyud slot para sa solo parent nato kay nakita namu nga kamo kailangan jud suportahan, kay dili lalim ning magpadako mo ug anak nga kamo ra nag-inusara,” ayon kay Rivera.

Sinabi ni SP-Committee on Finance, Ways and Means, and Appropriations chair Councilor Vicencio Dinopol, na naglaan ang pamahalaang lungsod ng P100-million na pondo para sa karagdagang 1,000 scholars ng Alay sa Kabataang Generals Lahat ng Alaga at Talino o Aklat Office.

Ayon kay Dinopol, mula sa kasalukuyang 1,250 scholars na kumukuha ng iba’t ibang bachelor degrees at technical vocational courses, madadagdagan pa ang mga ito sa susunod na school year.

“Karong umaabot nga tuig, anaa na sa P100-million ang budget sa atong Aklat Office. Sa atoa pa kung ang atong scholars nga 1,250 madungan og 1,000 ang mga scholars nato,” ayon sa opisyal.

Sa ilalim ng programa, natutulungan ng gobyerno ang mga “poor but deserving students” na makatapos sa kanilang pag-aaral.

Nabuo ang scholarship program sa bisa ng Ordinance No. 07 nina Councilors Rosalita Nunez at Ramon Milleza na naipasa noong 2015.

(Source: LGU GenSan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -