35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

General Santos: P100 M Budget, Inilaaan Para Sa Karagdagang Iskolar Ng GenSan

- Advertisement -

General Santos City – Inaasahan na madadagdagan pa ang mabibigyan ng libreng edukasyon sa ilalim ng Edukasyon alang sa mga Kabus nga Residente sa GenSan o EduKAR program – ang flagship scholarship program ng lungsod.

Sinabi ni SP-Committee on Finance, Ways and Means, and Appropriations chair Councilor Vicencio Dinopol, na naglaan ang pamahalaang lungsod ng ₱100-million na pondo para sa karagdagang 1,000 scholars ng Alay sa Kabataang Generals Lahat ng Alaga at Talino o Aklat Office.

Visit RPN DXDX General Santos

Ayon kay Dinopol, mula sa kasalukuyang  1,250 scholars na kumukuha ng iba’t ibang bachelor degrees at  technical vocational courses, madadagdagan pa ang mga ito sa susunod na school year.

“Karong umaabot nga tuig, anaa na sa ₱ 100-million ang budget sa atong Aklat Office. Sa atoa pa kung ang atong scholars nga 1,250 madungan og 1,000 ang mga scholars nato,” ayon sa opisyal.

Sa ilalim ng programa, natutulungan ng gobyerno ang mga “poor but deserving students” na makatapos sa kanilang pag-aaral.

Nabuo ang scholarship program sa bisa ng Ordinance No. 07 nina Councilors Rosalita Nunez at Ramon Milleza na naipasa noong 2015.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -