32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

General Santos: Landslide-Hit Area Sa Brgy. Conel, ‘Off Limits’ Sa Trekkers, Netizens

- Advertisement -

General Santos City – Mahigpit na nagpaalala ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa publiko na iwasan muna ang pagakyat at pagtungo sa lugar na pinangyarihan nang malawakang pagguho ng lupa sa area ng Mlakong, Purok Guadalupe ng Barangay Conel.

Visit RPN DXDX General Santos

Sinabi ni CDRRMO chief Dr. Bong Dacera na nanatili pa ring “unstable” ang lupa at maaring magdulot nang panibagong insidente ng pagguho kung maraming tao sa area.

“Unang-una po, mapanganib pa po ang lugar.  Kung maraming tao sa area, magkakaroon ng stress sa palibot ng landslide,” paalala ng opisyal.

Inihyag din ng opisyal na batay sa napagkasunduan, nakatakda ring mag-isyu ng resolusyon ang mga concerned barangays sa area na ipagbawal ang pagpasok ng tao sa tinaguriang “danger zone”.

“Kasama po doon sa agreement, is iyong pagbabawal muna. Magpapalabas po ng resolusyon ang apat na barangays, particularly ang Mabuhay, Conel, Upper Labay at Olympog, ipinagbabawal po ang pagpasok. Dahil patuloy pa rin po ang panganib dahin unstable po ang lugar.”

Wala namang naiulat na nasaktan o nadamay sa insidente bagama’t may ilang pananim umano ang nasira dahil sa landslide.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -