Wednesday, May 8, 2024

Face To Face Education Sa Kolehiyo Hindi Inirerekomenda Sa Naga City Kahit Pa Pumayag Ang CHED

- Advertisement -

NAGA CITY- Nakikita ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na magkaroon ng face-to-face classes sa piling mga lugar sa bansa para sa kolehiyo na ngunit may susundin na health protocols.

Sa Naga City diretsahang sinabi ni Mayor Nelson Legacion na hindi niya ito inirerekomenda kung ang bilang ng mga kaso ang titingnan.
Sa kasalukuyan wala namang ipinapaabot na plano ang mga paaralang pang kolehiyo sa lungsod.

Noon aniya na hindi pa dumarami ang kaso ng COVID-19 sa Naga at lalawigan ng Camarines Sur susuportahan ito ng LGU ngunit iba na ngayon lalo pa’t inaasahan ang pag-uwi ng marami pang locally stranded individuals oras na magkaroon na ng inter-region transport.

Ngunit pagpupunto ng opisyal, may kalayaan namang mag desisyon ang mga colleges and universities basta’t sumunod lamang sa mga health protocols.

(Melvin Barayoga)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img