Walang mangyayaring sunugan ng effigy ng Pangulong Duterte — Bayan

0
26

Walang mangyayaring sunugan ng effigy ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kilos protesta na isasabay sa State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 27.

Karaniwang inaabangan ang mga effigy sa kilos protesta ng mga aktibista dahil sa artistic at creative na pagbuo nito.

Sa halip, sinabi ni Renato Reyes ng Bayan na isang virtual effigy o e-ffigy ang gagawin ng saka o sama samang artista para sa kilusang agraryo na susunugin sa isang video.

Maliit na version lamang anya ito ng karaniwang higanteng effigy na ginagamit nila sa rally na kukunan ng video habang sinusunog at ipakakalat online.

Sinabi ni Reyes na bagama,t karaniwang sentro ng kilos protesta ang pagsusunog ng effigy, kinakailangan nilang mag adjust upang sumunod sa mga patakaran sa panahon ng coronavirus pandemic tulad ng social distancing.