Ex-Senator Nene Pimentel kasalukuyang nasa ICU

Ex-Senator Nene Pimentel kasalukuyang nasa ICU

by Powered by DWIZ
46 views

Humihiling ng dasal si Senador Koko Pimentel at ang kanilang pamilya para sa kanyang ama na si dating senate president Aquilino Nene Pimentel.

Ayon kay PDP LABAN Spokesperson Ron Munsayac, kasalukuyang nasa ICU o Intensive Care Unit ang nakatatandang Pimentel.

Aniya, mismong si Senador Koko ang humiling sa kanilang mga kaibigan at kapartido sa PDP LABAN ng tulong sa pagdarasal para sa full recovery ng dating senador na siyang founder at chairman emeritus ng partido.

Samantala, tumanggi na munang magbigay pa ng detalye ang pamilya Pimentel kung saan naka-confine ang dating senador.

0 comment

Related Posts