Radio Philippines Network
Headlines National News

Albayalde hindi parin lusot sa isyu ng ‘ninja cops’ kahit maagang bumaba sa pwesto — Drilon

Hindi pa rin lusot si dating PNP chief police general Oscar Albayalde.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, kahit pa maagang bumaba sa puwesto si Albayalde bago ang nakatakdang araw ng pagreretiro nito.

Hindi aniya magiging daan para maabsuwelto o malinis sa pananagutang administratibo at kriminal sa isyu ng ‘ninja cops’ ang naging hakbang ng dating PNP chief.

Sinabi ni Drilon na maituturing na indikasyon ng pakikipagsabwatan ni Albayalde sa criminal act ng kanyang mga dating tauhan ang kanyang pagdepensa at kabiguan na kondenahin ang mga ginawa nina Major Rodney Baloyo.

Dagdag ni Drilon, nakalulungkot aniyang kulang sa sense of justice si Albayalde at malala pa na posibleng may kinalaman din ito sa pagtatakip sa mga ‘ninja cops’.

Related posts

NPA muling umatake sa Negros Oriental

Powered by DWIZ

DOH nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa sunog ng medevac plane

Powered by DWIZ

Bangsamoro Organic Law niratipikahan na ng Senado

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More