Saturday, May 18, 2024

Eva Macapagal Super Terminal ginawang treatment facility para sa COVID-19

- Advertisement -

Simula na ngayong araw ang operasyon ng Eva Macapagal Super Terminal sa Manila na ginawa bilang treatment facility para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mayroong 211 cubicles ang nabanggit na pasilidad na kayang tumanggap ng mga pasyenteng mayroong mild, advanced at kahit severe na sintomas ng COVID-19.

Pinangunahan anila ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtatayo ng pasilidad para mapaigting ang kapasidad ng medical treatment sa National Capital Region (NCR).

Samantala, sinabi ng PCG na dalawang barko na rin ng kumpanyang 2GO na M/V St. John Paul 2 at M/V St. Anthony De Padua ang kasalukuyang nakadaong sa pier 15 sa port area para magamit bilang quarantine facility ng mga OFW’s na uuwi ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -