Saturday, May 18, 2024

Duterte tiwala pa rin kay Duque —Go

- Advertisement -

Nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ang tiniyak ni Senador Christopher “Bong” Go, matapos na batikusin ng publiko ang kalihim sa sablay na contact tracing dahil nasa 17% pa lamang ang kanilang nakokontak sa kabuuang 331 na nakasalamuha sa eroplano ng dalawang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa bansa.

Tiwala naman ang senador na mapupunan ng Department of Health (DOH) ang kanilang kakulangan dahil nakikita naman anila na ginagawa nito ang lahat laban sa 2019 nCoV-ARD.

Samantala, nananatili pa rin sa dalawa ang may kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa at isa dito ay pumanaw na.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -