Saturday, May 4, 2024

Resulta ng pagsusuri sa isang PUI sa nCoV inaasahang malalaman ngayong hapon —Duque

- Advertisement -

Inaasahang malalaman ngayong hapon ang magiging resulta ng isinagawang pagsusuri sa isang person under investigation (PUI) sa bansa sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa nila kinukumpirma na nagpositibo na ito sa 2019 nCoV-ARD kung kaya’t nananatili pa rin sa dalawa ang nagpositibo sa naturang kaso ng sakit.

Aniya, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na rin ang gumagawa ng mga test sa bansa kung kaya’t hindi na kailangan pang ipadala sa Australia ang mga tests ng pinaghihinalaang may kaso ng naturang virus.

Samantala, tumutulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa contact tracing sa mahigit 300 pasahero na nakasalamuha sa eroplano ng dalawang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD sa bansa.

Iginiit ni Duque na kailangang 100% na matapos ang contact tracing ng sa loob lamang ng 48-oras o dalawang araw.

Tumulong nga sila, ang PNP (…) para macontact ang mga tao sa loob ng eroplano na nakasalamuha, so, itong alas-9 magmi-meeting sila, sabi ko in 48 hours sabi ko dapat kumpleto ang information, 100% in 48hours,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img