Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Duterte tiwala pa din kay Espenido matapos mapabilang sa narco list

Kumpiyansa si Pang. Rodrigo Duterte na walang kinalaman sa illegal na droga si Police. Lietenant Col. Jovie Espenido.

Sa kabila ito ng kumpirmasyon ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na kabilang si Espenido sa higit 300 drug watchlist ng Philippine National Police (PNP).

Sa isang pahayag sinabi ni Panelo na tiwala ang Pangulo na walang katotohanan ang mga alegasyon laban kay Espenido.

Aniya, posibleng black propaganda lamang ito upang madungisan ang reputasyon ni Espenido lalo na’t kilala ito bilang nangunguna sa kampanya kontra illegal na droga ng Pangulo.

Gayunman, sinabi naman ni Año na mananatiling inosente si Espenido hangga’t walang sapat na ebidensiya para patunayan ang mga alegasyon.

Related posts

Sumukong heinous crime convicts nasa halos 1,000 na — BuCor

Powered by DWIZ

Grupo ng mga abogado hinimok ang kongreso na pagtuunan ng pansin ang pondo para sa tao

Powered by DWIZ

Palasyo naniniwalang Chinese militia ang namataan sa Pag-asa Island

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More