Duterte hindi na interesado lumagda pa ng bagong VFA

Duterte hindi na interesado lumagda pa ng bagong VFA

by Powered by DWIZ
38 views

Hindi na interesado pa si Pang. Rodrigo Duterte na lumagda sa panibagong Visiting Forces Agreement (VFA) sa anumang bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, desidido ang Pangulo na palakasin ang puwersa militar ng Pilipinas.

Aniya, hindi nais ng Pangulo na makipag-alyansa sa ibang bansa, dahil ang prayoridad ng Pangulo ay palakasin ang puwersa ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbili ng mga de-kalibreng armas at iba pa.

Una rito, sinabi ni Gen. Felimon Santos Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang ang Japan, South Korea, Indonesia at China sa mga ikinu-kunsiderang bansa ng pamahalaan para pamalit sa ibinasurang VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

0 comment

Related Posts