Sunday, May 5, 2024

Duterte sa ‘ninja cops’: “mauuna kayong mamamatay!”

- Advertisement -

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tinaguriang ‘ninja cops’ o ang mga pulis na sangkot sa drug recycling.

Ayon sa pangulo, hindi niya kailanman palalampasin ang katiwalian na ito sa hanay ng pulisya lalo na’t ginagawa niya ang lahat ng hakbang upang mapaunlad ang bansa, at matuldukan na ang transaksyon ng illegal drugs sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pangulong Duterte, lahat ng tao sa mundo ay mamatay ngunit sisiguraduhin niya na mauuna ang mga naturang ‘ninja cops’.

 I’m sorry to tell you (‘ninja cops’), everybody dies in this world, but you will go ahead first….Remember that. For those who are evil, do not ever think that you are the only one that is evil, for all of us in this world is evil,” —Pangulong Rodrigo Duterte

Dagdag pa ng pangulo, hindi siya mag-dadalawang isip na maging masama mapigilan lang ang masasamang tao na pumupigil sa pag-unlad ng Pilipinas.

Una rito, binigyan na ng permiso ng Senado ang Senate Blue Ribbon Committee na isapubliko ang mga impormasyon na isiniwalat ni dating PNP-CIDG Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa mga pulis na sangkot sa drug recycling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img