Pilipinas nananatiling ‘polio-free’ —WHO

0
20

Nanatiling “polio-free” ang Pilipinas sakabila ng mga naitalang kaso ng polio sa bansa.

Ito ang tiniyak ng World Health Organization (WHO), kung saan sinabi nito na hindi naman kasi “Wild Polio Virus” ang tumama sa dalawang (2) bata na nag-positibo sa polio.

Paliwanag ng WHO, ang naitalang kaso ng polio sa bansa ay virus mula sa dumi ng tao na nag-mutate matapos mapag-pasa-pasahan ng mga hindi na bakunahan.

Gayunman, nananindigan naman ang WHO na hindi pa rin naman dapat maging kampante dahil ang naturang uri ng polio ay tinatawag na type 2 polio virus kung saan 40% lamang ng kabataan sa bansa ang nabakunahan laban dito.

Ibig sabihin nito, 6 sa bawat 10 kabataan edad limang (5) taon pababa ang na-nganganib na mahawaan ng type 2 polio virus.

Dahil dito, pinayuhan na ng WHO ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit sa bansa.