Duterte pinatutsadahan ang mga Ayala

Duterte pinatutsadahan ang mga Ayala

by Powered by DWIZ
75 views

Panakip-butas at pakitang tao.

Ito ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Ayala, matapos na magtayo ng mga foundation ang negosyanteng pamilya.

Sa naging talumpati nito kagabi sa paggunita ng anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi pa ng pangulo na maituturing na panakip-butas lamang ang mga foundation na itinayo ng mga Ayala dahil niloloko lang naman ng mga ito ang mamamayang Pilipino.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang pagsingil ng Manila Water ng bill sa mga customer na environment enhancement at water treatment facility, gayung wala naman.

Samantala, sinisilip narin aniya ng pamahalaan ang mga kontratang pinasok ng mga Ayala gaya na lamang ng Manila Water at UP Technohub sa Quezon City.

0 comment

Related Posts