Duterte nilinaw na hindi martial law kundi enhanced community quarantine sa buong Luzon

0
14

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi martial law ang papairalin sa buong Luzon kundi enhanced community quarantine.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat matakot ang publiko sa pagdagdag ng mga militar at pulis kasunod ng pagsasailalim sa quarantine sa buong luzon.

Iginiit pa ng Pangulo na ipinapatupad lamang ang batas militar kapag mayroong rebelyon at hindi sa panahong kalaban ng taumbayan ay sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).