Monday, May 13, 2024

COVID-19 kaso sa PH, pumalo na sa 142 —DOH

- Advertisement -

Umakyat na sa 142  ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa bansa.

Ayon sa  Department of Health (DOH), nasa halos 40%  o 55 sa pasyente ay walang direktibang contact o travel history sa mga lugar at pasyente na may COVID-19.

Batay sa huling tala ng ahensya, pinaka batang nahawaan ng naturang virus ay 13 taong gulang na babae mula sa Quezon City.

Mula sa mga positibong kaso, labing dalawa na ang naitalang nasawi at pito dito ay pawang mga senior citizens .

Samantala, kinumpirma naman ng DOH na tatlo na bilang ng nakarekober sa COVID-19 sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -