Thursday, May 16, 2024

Duterte inaming hindi kayang tuldukan ang korapsyon

- Advertisement -

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang tuldukan ang kurapsyon sa pamahalaan.

Sa talumpati sa harap ng mga miyembro ng Chinese-Filipino Business Club Inc. sinabi ng Pangulo na bagama’t malabo niyang mapigilan ang kurapsyon ay makakatulong ang maraming negosyante sa bansa para mabawasan ang pagiging talamak nito.

Ayon kay Pangulong Duterte maaaring namang i-report ng mga negosyante sakaling may malaman silang insidente ng pagnanakaw o uri ng kurapsyon.

Tiniyak pa ng Pangulo na makakakuha ng insentibo ang mga negosyanteng maglalakas loob na magsumbong sa mga tiwaling opisyal o tauhan ng gobyerno.

Kasabay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga negosyante na huwag matakot sakaling mayroong gumigipit sa kanila.

 If there is (someone) threatening you, tell me kung sino yan, at paluluhurin ko ‘yan sa harap ninyo. Really. Wag kayo matakot, kasi kayo rin ang kawawa… And as my practice, I will call him to my office with you, at pakinggan ko sa kanya kung ano, bakit nagka ganoon. Kung makita ko may kasalanan, p*tang i*a, asahan mo talaga, sasampalin ko ‘yan sa harap mo. I have done that many times already. I have done that to an undersecretary. May sinipa na rin ako noon na direktor,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -