Saturday, May 18, 2024

DOTr pinalawig ang ‘rental holiday’ para sa kanilang mga concessionaires

- Advertisement -

Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) ang ‘rental holiday’ para sa mga concessionaires nito hanggang ika-30 ng Abril.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddess Libiran, inatasan aniya ni Secretary Arthur Tugade ang mga airport authorities na palawigin pa ang ‘rental holiday’ nito para sa mga umuupa ng pwesto sa paliparan makaraang palawigin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Dagdag pa ni Libiran, ang desisyong ito ay bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na labis na nakaapekto sa aviation sector.

Samantala, sang-ayon sa pinalawig na kautusan, sa buwan ng Hunyo na babayaran ng mga umuupa ang kanilang renta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -