Mga senior citizen na solong namumuhay sa gitna ng COVID-19 crisis pinatututukan

0
15

Nananawagan ang Comission on Population and Development (POPCOM) sa pamahalaan na tutukan ang mga senior citizens na solong namumuhay sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod sa walang bumubuhay na kaanak, sila rin anila kasi ang pinakalantad sa naturang sakit.

Samantala, inaatasan naman ng POPCOM ang mga opisyal ng barangay na alamin ang mga tirahan ng mga senior citizens at bigyan ng karapatang ayuda.