Sunday, May 5, 2024

DOH may panawagan sa publiko ilang oras bago sumapit ang bagong taon

- Advertisement -

Muling umapela si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na tuluyan na lamang umiwas sa anumang uri ng paputok, sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Duque, marami namang ligtas at alternatibong paraan upang salubungin at makapag-diwang ng bagong taon.

Aniya, mas makabubuti na ligtas at nasa maayos na pangangatawan ang bawat isa dahil wala namang magandang maidudulot, kundi panganib lamang ang pag-gamit ng paputok.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Duque na patuloy silang maglilibut-libot sa mga ospital sa ka-Maynilaan upang suriin ang sitwasyon ng mga pasyenteng nabiktima ng paputok.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Duque na naka alerto na ang lahat ng pagamutan sa bansa kung saan nasa code white alert na ang mga ito at mananatiling naka-antabay ang mga hospital staff sa inaasahang dagsa ng mga mabibiktima ng paputok.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img