32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Bagong protocol para sa traslacion ng poong Nazareno ilalatag ng PNP

- Advertisement -

 

Maglalatag ng panibagong protocol para sa traslacion sa Enero 9 ang PNP NCRPO.

Ayon kay PNP NCRPO Chief, Brig Gen. Debold Sinas, hindi na nila papayagan ang ang mga mananampalataya na umakyat sa karosa na may dala ng poong Nazareno.

Sa halip, lahat anya ng sasama sa prosisyon ay lilinya lamang sa likod ng karosa na may dalang kandila at sumabay sa rosaryo samantalang ang mga nag aabang at nanunuod lamang ay sa gilid lamang ng kalsada papayagan.

Ang mga pari anya na lalahok sa prosisyon ay babarikadahan.

Ang bagong protocol ay mangangahulugan na wala nang makapagpupunas ng panyo sa itim na Nazareno na itinatapon sa mga mananampalataya.

Nilinaw ni Sinas na ipatutupad lamang ang bagong protocol kung papayagan ito ng simbahan.

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -