Friday, May 3, 2024

DOH inutusang magtakda ng mga aalalay sa mga mental health issues ng mga Pinoy dahil sa COVID-19 crisis

- Advertisement -

Hindi naman nakakaligtaan ng pamahalaan ang posibleng maging epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bawat Filipino.

Ito ang binigyang linaw ni Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles sa harap nang nagpapatuloy na problema ng bansa dahil sa COVID-19.

Ayon kay Nograles, inatasan na ang Department of Health (DOH) na magtakda ng mga medical practitioners na aalalay sa mental health issues ng mga Filipino.

Aniya, batid naman ng gobyerno na hindi lamang tulong pinansiyal ang kailangan ng publiko dahil labis ding apektado ang mental health dahil sa krisis na ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img