Wednesday, May 8, 2024

DOH iniimbestigahan na ang umano’y oversupply ng mga gamot

- Advertisement -

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang umano’y oversupply ng mga gamot na ibinunyag ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maaaring nag-ugat ang problema sa kakulangan ng reporma at mga bodega sa gitna na rin ng lumalaking budget ng DOH.

Noong panahon aniya nila ay nasa P10-B ang budget ng DOH at lumobo na sa P170-B ang budget ng ahensya matapos ang kaniyang termino subalit hindi naman lumaki ang warehouse at hindi naman nagbago ang planning ng tanggapan.

Sinabi pa ni Duque na gagawa sila ng mga reporma sa ahensya para masigurong maipapamahagi sa tamang oras ang mga gamot.

Sa isyu ng oversupply, nilinaw ni Duque na ilang gamot ang hindi nagamit dahil iilang regional office lamang at maging local government units ang nagrerequest ng mga ito.

Una nang inilabas ng COA, batay sa isinagawang 2018 audit report sa DOH, may mga overstock drugs at medicines ang ahensya na nagkakahalaga ng mahigit P18-B at ilan sa mga naka-imbak na gamot ay mag-eexpire na.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img