Sunday, May 5, 2024

DOH handa na sa repatriation ng mga OFW mula China

- Advertisement -

Handa na ang Department of Health (DOH) para sa repatriation o pagpapa-uwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula China.

Ito ay kaugnay ng banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa naturang bansa.

Sa ngayon, nakaantabay na ang mga opisyal at tauhan ng pamahalaan para salubungin ang mga repatriates mula Hubei, China na nakasasakop sa Wuhan City –ang episentro ng 2019 nCoV-ARD.

Kanina, dumating na sa Clark International Airport ang medical team ng DOH na siya namang susundo sa unang batch ng repatriates na kinabibilangan ng 56 na OFW.

Inaasahang, bukas, ika-9 ng Pebrero, darating sa bansa ang mga Filipino repatriates kung saan agad naman itong dadalhin sa New Clark City sa Tarlac para isailalim sa 14-day quarantine. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img