Tuesday, May 7, 2024

DILG suportado ang pagpapahinto sa lahat ng gaming ops ng PCSO

- Advertisement -

Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, malaki ang maitutulong ng direktiba ng pangulo upang masugpo ang lumalalang kurapsiyon sa ahensiya.

Aniya, makatutulong din ito para sa rehabilitasyon ng PCSO.

Samantala, sinabi rin ni Año na kinakailangang tumalima ng lahat ng local government unit (LGU) sa hakbang ng Philippine National Police (PNP) para sa closure order ng lahat ng gaming operations outlet ng PCSO.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img