31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Aksyon ng PNP sa pagpapasara ng lotto outlets ‘overkill at overacting’ – Binay

- Advertisement -

Pinuna ni Senadora Nancy Binay ang naging aksyon ng Philippine National Police sa pagsasara ng mga lotto outlets.

Sa inilabas na pahayag ng senadora, tinawag na “overkill at overacting” ni Binay ang naging hakbang ng PNP.

Aniya, sa halip na tutukan ang small town lottery (STL), ay dapat na mas pagtuunan ng pansin ng pulisya ang paghuli sa mga kriminal.

Matatandaang, kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang lahat ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay agad na nagkasa ang PNP ng nationwide crackdown laban sa libu-libong lotto at STL outlets.

Ani Binay, dapat nang itigil ng pulisya ang pag-aaksaya ng kanilang oras at tutukan na lamang ang pag-iimbestiga sa mga krimen gay na lamang ng serye ng patayan sa Negros Oriental.

Giit pa nito, patunay lamang ito nang pagkakaroon ng “misplaced sense of priority” ng PNP.

Samantala, sinabi rin ni Binay na walang silbi ang ginawang pagkandado ng mga pulis sa non-operational betting stations dahil naka-shutdown na ang main servers nito noon pang araw ng Biyernes.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -