Muli na namang ipinagpaliban ng Korte Suprema ang paglalabas ng desisyon sa electoral protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na ipinagpaliban ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang deliberasyon sa draft ruling ni Associate Justice Benjamin Caguioa hinggil sa electoral protest ni Marcos.
Ayon pa sa Supreme Court (SC), sa halip na ngayong araw ay sa susunod na Martes, Oktubre 15, na lamang ikakasa ang deliberasyon ng en banc.
Una rito, inanunsiyo na ng SC ang pagtatapos ng recount at revision sa 5,415 polling precincts mula sa tatlong pilot provinces sa inihaing poll protest ni Marcos laban kay Robredo. — ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)