32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Palasyo kinalma ang publiko sa ikinakasang PH-Russia agreement sa nuclear power plants

- Advertisement -

Kinalma ng pamahalaan ang publiko hinggil sa ikinakasang kasunduan ng Pilipinas at Russia sa nuclear power plants.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman pinal ang nilagdaang memorandum of intent ng Pilipinas at Russia ukol sa planong pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa.

Aniya, tatalakayin pa kung feasible ang nasabing proyekto, at ikukunsulta pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso at Department of Justice (DOJ).

Una rito, sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na mapanganib ang pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa dahil walang nakalatag na hakbang ang pamahalaan upang tiyaking ligtas ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -