Wednesday, May 8, 2024

Death toll sa COVID-19 sa buong mundo mahigit 190,000

- Advertisement -

Umakyat na sa mahigit 190,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Pinakamarami pa rin sa nabanggit na bilang ng mga namatay ay mula sa Estados Unidos na umaabot na sa mahigit 50,000.

Pumapangalawa pa rin ang Italy na mayroong halos 26,000 bilang pagkasawi dahil sa COVID-19.

Sinundan ng Spain at France na kapwa may mahigit 22,000 nang death toll.

Samantala, sa kabuuan sumampa na sa 2.7-M ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa mahigit 190 mga bansa sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img