Ragos binigyan ng military honor sa Libingan ng mga Bayani

0
27

Nasa Philippine Army Mortuary sa Libingan ng mga Bayani na ang labi ng sundalong napatay ng isang pulis sa checkpoint sa Quezon City.

Dumating ang labi ni retired Philippine Army Corporal Winston Ragos sa Libingan ng mga Bayani, kaninang madaling araw kung saan binigyan ito ng military honor.

Mananatili roon ang labi ni Ragos para sa isang araw na burol bago ang nakatakdang libing nito sa nabanggit na libingan bukas, Abril 26.

Magugunitang binaril at napatay si Ragos ni Police Master Sgt. Daniel Florendo Jr. malapit sa isang quarantine checkpoint sa barangay Pasong Putik sa Quezon City matapos na pumalag nang sintahin dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine at akto umanong bubunot ng baril.