Friday, June 21, 2024

Davao: Tatlong empleyado ng isang korporasyon, nakuhanan ng ilegal na droga sa Davao checkpoint

- Advertisement -

Davao City – Hinarang ng pinagsamang pwersa ng AFP-PNP Checkpoint ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga sa Task Force Davao alas 9:34 ng umaga kahapon, Disyembre 12, 2021 sa Brgy. Lacson, Calinan.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PMaj. Jake Goles, Hepe ng Calinan Police Station ang tatlong suspek na sina Mark Joel Monterey, 41 anyos at residente ng Southville 4, Brgy. Caingin, Sta. Rosa, Laguna, James Carl Bustamante, 24 anyos at residente ng Purok 12, Pob. Laguindingan, Cagayan de Oro City, at si Salvador Malabana, 33 anyos at residente ng Brgy. Lamesa, Santa Cruz, Marinduque.

Dagdag ni PMaj. Goles, patungong Davao City ang tatlong suspek sakay ng Toyota pick-up na may plate number NAF 3240.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang street market value na two thousand pesos (₱ 2 000.00).

Lumabas sa imbestigasyon ng kapulisan na ang tatlong personahe ay mga empleyado ng Performance Builders and Developers Corporation na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Nasa kustodiya na ng Calinan Police Station ang mga nadakip na suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: Task Force Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -