Davao: Rape suspect patay matapos manlaban ng baril

0
6

Patay ang isang suspek sa panggagahasa matapos niyang agawin ang baril ng isang pulis sa isang mobile patrol, kahapon, 10:08 ng gabi, Nobyembre 2, 2022.

Kinilala ni Police Major Rosario Aguilar, Station Commander ng Ecoland Police Station 15, ang suspek na si Aljun Jr. Abuda Piyayo, alyas Abion, 26 anyos mula sa Ecoland, Brgy 76-A.

Ayon kay Police Major Aguilar, alas-9:50 ng gabi nang magreklamo siya na sumakit ang tiyan ay mabilis siyang inasikaso ng isang police registered nurse, ngunit patuloy pa rin itong nagrereklamo na masakit ang tiyan kaya naman dinala sa mobile patrol at dalhin na lang sa Southern Philippines Medical Center (SMPC).

Pagdating niya sa Sandawa Road, hindi kalayuan sa Police Station, hinablot niya ang baril ng pulis na kasama niya, nag-aaway ang dalawa hanggang sa pumutok ang baril, unang natamaan ang mobile patrol at nang makita ng isang pulis na ito ay delikado ang sitwasyon, binaril nito ang suspek.

Dinala ang suspek sa SPMC ngunit idineklara itong dead on arrival.

“His attempt to escape was obviously well-planned by him and all the sickness/pain he was complaining were all part of his “drama”.  I am thankful that he didn’t hit my men. I can assure you that my men are well-trained to defend themselves if the situation compelled them to,” ayon kay Police Major Aguilar.

Ang suspek ay may kasong paglabag sa R.A 8353 (Anti Rape Law of 1997) matapos itong positibong ituro ng isang babae mula sa simbahan na kinaladkad siya sa iskandalo at nangmolestiya sa kanya noong Oktubre 30.

Dagdag pa ni Aguilar, sangkot ang suspek sa Talomo Police Station 3 na kilala bilang Children in Conflict with the Law (CICL), sa riot kung saan nabasag ang salamin ng mobile patrol, hold-up at akyat bahay.

(News & photo courtesy of Ecoland Police Station | Kamm Media Network)

Leave a Reply