26.6 C
Manila
Wednesday, August 10, 2022

Davao: Pasahero ng taxi, nakuhanan ng ilegal na droga sa Davao checkpoint

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga ng mga tauhan ng Task Force Davao at Toril Police Checkpoint sa Brgy. Sirawan, Toril District kagabi, Disyembre 13, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Capt. John Louie Dema-ala, Public Information Officer ng Task Force Davao ang nadakip na si Krishan Andru M. Mamaril, 39 anyos at residente ng Pob. Malalag, Davao del Sur.

Dagdag ni Capt. Dema-ala, patungong Davao City ang nasabing personahe sakay ng Toyota Vios taxi na may plate number GCS 3730.

Nakuhanan ng 2.0 gramos ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng thirty two thousand pesos (₱ 32 000.00) at shabu paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng Toril Police Station ang nadakip na suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: Task Force Davao)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -