Friday, May 17, 2024

Davao: Nag-iisang pribadong paaralan sa Davao region na inaprubahan para sa limited face-to-face classes, sinimulan na ngayong araw

- Advertisement -

Davao City – Sinimulan na ang limited face-to-face classes para sa Kindergarten hanggang Grade 3 sa Faith International Academy sa #7 Jade Street, Marfori Heights, Davao City kaninang umaga, Nobyembre 29, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay Department of Education Region XI Spokesperson Jenielito Atillo, ito ang unang pribadong paaralan sa Davao Region na pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na magsagawa ng limited face-to-face classes.

Dagdag pa ni Spokesperson Atillo, half-day lamang ang itatagal ng mga estudyante sa nasabing paaralan tuwing Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes samantalang ang Miyerkules ay ilalaan para sa independent learning kung saan mananatili sa kanilang mga bahay ang mag-aaral.

Dinaluhan ng isang (1) estudyante sa Kinder, tatlong (3) estudyante sa Grade 1, isang (1) estudyante sa Grade 2, at limang (5) estudyante sa Grade 3 ang unang araw ng limited face-to-face classes.

Siniguro ng DepEd na istriktong ipinapatuman ang lahat na sumunod sa minimum health protocols habang nasa loob ng paaralan kagaya ng pagsuot ng face mask, madalas na paghugas ng kamay, at pag-obserba ng social distancing.

(Source: Faith International Academy, DepEd Region XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -