Thursday, June 20, 2024

Davao: Mga Marginalized At Displace Na Manggagawa Nakatanggap Ng Tulong Mula Kay 1st District Congressman Paolo “Pulong” Duterte

- Advertisement -

Davao City – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga manggagawa ng Davao City na apektado ng pandemya mula kay Presidential son Rep. Paolo “Pulong” Duterte kahapon, Nobyembre 9, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Kasama sa mga nakatanggap ang manicurista, inland resorts workers, caddies, event organizers, photographer, bakers, gas station staff, “kristo”, waiters, hotel staff at janitors.

Nagmula  ang pondo sa opisina ni Congressman Duterte,

Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbigay ng tulong sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Employment Assistance ng ating mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Habang ang mga nakatanggap ng tulong mula sa DSWD ay mga solo parents, single motorcycle at tricycle drivers, public utility jeepney drivers, persons with disability (PWD) workers at indigents.

Sinabi ng isa sa mga nakatanggap na si Magallen Anter, 29-anyos, single father  mula sa Barangay Catalunan Grande, na hindi  madali ang  mawalan ng trabaho lalo na’t may anak siya na 3 taong gulang na anak na binubuhay at malaking tulong  sa kaniya ang ayuda mula sa opisina ni Congressman Duterte. ..

Batay sa opisina ni Congressman Duterte marami pang marginalized at displaced beneficiaries ang makatanggap ng financial assistance hanggang sa susunod na buwan ng Disyembre 2021. Mayroong 7,200 benepisyaryo para sa TUPAD at 14,000 benepisyaryo para sa DSWD cash assistance.

Sa simula ng pandemya, namigay na ng ayuda si Congressman Pulong hindi lamang sa kanyang mga nasasakupan sa unang distrito kundi maging sa iba pang lugar sa Davao Region at iba pang rehiyon.

(Source: Office of the First Congressional District)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -