30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: Mga aktibong kaso sa Mati City, tumaas ng 40%

- Advertisement -

Tumaas sa 40% ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Mati City base sa datos ng lokal na pamahalaan, Huwebes, Oktubre 6.

Mayroong 29 na aktibong kaso ng COVID-19 na naitala mula sa 17 aktibong kaso noong nakaraang linggo.

Dahil dito, umapela ang Pamahalaang Lungsod ng Mati sa publiko na patuloy na sundin ang mga health protocols, lalo na ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at higit sa lahat, pagpapabakuna at pagpapalakas ng katawan laban sa Covid-19.

Ang pagbabakuna ay ginagawa sa baywalk at ang mobile vaccination ay gagawin din sa malalayong barangay.

Noong Agosto 29, tatlong kaso ng Omicron variant ang naitala sa Mati City.

Sa kabila nito, nananatili sa alert level 1 ang Mati City at face-to-face pa rin ang pagdiriwang ng Sambuokan Festival, Undas at Pasko sa bayan.

(Source: Local Government Unit – City of Mati)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -