31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Baguio: Patuloy ang pagsasagawa ng inspeksyon ng mga painuman sa La Trinidad, Benguet

- Advertisement -

Ang mga miyembro ng kagawaran ng pulisiya ng La Trinidad, Benguet ay nagsasagawa ng inspeksyon kada gabi upang matiyak na sumusunod ang mga may ari ng naturang establishment. Hindi lang pag iinspeksyon ang mga ginagawa ng mga miyembro ng kapulisan kundi rin ang pagpapatupad ng curfew sa mga minors o kabataan.

Ang curfew ay nag uumpisa mula oras ng alas nueve hanggang alas sais ng umaga kinabukasan. Samantala, pinaalalahanan ng pulisiya ng La Trinidad ang mga magulang ng mga kabataan o minors na maging responsibilidad nila ang kanilang anak na wag pabayaang lumabas ng pasado alas nueve ng gabi o ng mga alanganing oras ng gabi. Gayon din binigyang babala ang mga may-ari ng painuman na may hangganan din ang oras ng pag iinum ng kanilang customers at ito ay depende sa patakaran ng munisipyo.

(Joel Cervantes via RPN-DZBS Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -